Sa buhay ng tao hindi naman masamang magtiwala at maging mabait. Ngunit kailangan mo ba talagang lumaban minsan or ngitian nalang ang mga masasamang pangyayari sa buhay mo? Ayoko rin naman nang mag isip ng kung anu anu ngunit hindi ko parin mapigilan ang mag tanong sa sarili ko kung bakit nga ba mga mga taong hindi sanay lumaban ng tama sa takbo ng buhay. Ilan sa mga susunod kong babangitin ay hindi laban sa isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas ang sa akin lamang ay para mailabas ko sa pamamagitan ng pag susulat ko ang hinaing na kung sakali mang makarating sa kanila ay lubos kong ikakagalak at sana ay mabigyan ng pansin.
SM BALIWAG.
sa kinauukulan,
ang sulat na ito ay para iparating sa iyo ang aking lubos na pagka dismaya lalo na sa mga paninda at mga taong nag tatrabaho sa inyo.
Nuong una masaya ako at may malalapit na SM sa aming lugar, ngunit sa mga sumunod na pang yayari sa buhay ko ay parang ayaw ko ng mag punta sa SM Baliwag na ito.
2011 bago ako umalis ng Pilipinas, bumili ang ng gagamitin kong VOYAGER na bagahe para sa aking paglalakbay sa ibayong dagat, ngunit hindi pa ako nakakaalis sa Pilipinas ay sira na kagad ito.
pangalawa, pag dating ko sa Pilipinas bumili ako ng 2 pares ng sapatos para sa akin at para sa pamangkin ko, isang suot ko pa lamang sa aking bagong sapatos ay nasira na ito, halatang luma na at stock na. may mga palatandaan na rin na marupok na ang leather nito, pinag bigay alam ko ito sa kinauukulan ngunit hindi ito pinalitan kahit alam nila nasa 7 days return period pa ito, sa mga sumusunod na araw ay bumalik sa akin ang aking pamangkin upang ipag bigay alam sa akin na ang kanyang sapatos ay sira na rin isang gabi lang daw nya itong ginamit. Bumalik kami sa SM BALIWAG para i follow-up ang aming report, ngunit ang tanging nasambit lamang nila ay irereport nila ito sa admin at sa company nila. Pinaiwan ang aking numero para matawagan kung anu man ang magiging resulta ng kanilang pag-uusap. Makalipas ang ilang araw, lingo, buwan,wala kaming natangap na text or tawag mula sa kanila. Kaya nag desisyon na akong mag sadya sa kanila para itanong ang estado ng aking reklamo. Malugod naman akong kinausap ng salesman sa SM BALIWAG ngunit ang sinabi nya sa akin ay hindi na daw papalitan ang aking 2 bagong sapatos dahil ito ay maari pa namang gamitin bakit hindi nila ako tinawagan o kaya ay i text manlang? Ang tanging nasambit ko laman sa kanya ay pwede bang sabihin mo sa manager mo na willing akong ibigay sa kanya ang 2 pares ng sapatos na aking binili na kung para sa kanya ay maaripang gamitin. (oo nga naman maari mo pa namang gamitin ang sapatos, may mga tao naman kasi talagang kahit luma na ang sapatos at butas na ito ay maari pa namang gamitin, ngunit hindi para sa akin na alam ko bago ang binili ko ngunit sa isang gamitan pa lamang ay masisira na ito, hindi naman ito mumurahing sapatos na aking tatangapin na lamang na isang suot lang ay itatapon ko na) Hiningi ko ang numero ng nasabing salesman para ma follow-up dahil ayaw ko na talagang mag punta sa SM BALIWAG. Makalipas ang ilang araw wala parin akong natatangap na mesahe sa kanila sa kabila ng mga text msg. ko. Anu sa palagay nyo ang dapat kong gawin sa bagay na ito. Ang tatak pala ng sapatos ko ay MARC ECKO.
pangatlo:
kasabay ng MARC ECKO na sapatos ko ay ang aking relo hindi ko na tanda ang pangalan ng relo ko basta store sila dun sa tapat event center. Sa una lubos akong nagagandahan sa simpleng desenyo nito, ngunit makalipas ang ilang araw, hindi ko lubos maisip kung bakit ako laging nahuhuli sa oras ng usapan aming mga mag kakaibigan, huli ko nalang napansin na humihinto ang relo ko. hahaha nakangiti ako ngaun habang sinusulat ko ito. Sa SM BALIWAG ko kasi ito binili kaya ganito.
pang apat:
dahil naiwan ko ang charger ng ePIPE cigarette ko sa manila, nagtanong ako kung may charger na binebenta ang ePIPE stall sa SM baliwag. Hindi daw sila nag bebenta ng charger kasi kasama daw ito sa unit pag bumili ka, malugod naman akong kinausap ng tindero dito. Nag alok sya na iwan ko nalang ang ePIPE ko para ma charge nila. Mag lakad lakad daw muna ako sa SM BALIWAG.Habang iniintay ko ang kaibigan ko nag tanong ang tindero "Sir hindi pa nasisira yung battery nyo? kasi madalas sira ang battery ng unit na tulad ng sa inyo." Hindi naman ayos naman ang sakin ilang araw ko ring ginagamit ito kaya maganda naman ang kalidad ng unit ko" sabi ko, Hindi ko man gustong iwan ang ePIPE ko ngunit dumating na ang kaibigan ko, naglibot muna kami sa paligid nito. Makalipas ang ilang oras kinuha ko na ang ePIPE ko dahil lalabas na kami sa SM BALIWAG may aasikasuhin kaming importanteng bagay, wala duon ang taong pinag iwanan ko ng unit ko break time daw.Pag hawak ko palang sa ePIPE ko iba na ang pakiramdam ko, feeling ko hindi iyong yung unit ko. hindi ko narin gaanong pinansin dahil baka feeling ko lang yun. Ngunit pag uwi ko sa bahay. Napansin ko na sira na ang voltage ng ePIPE ko, at ang takip ng charger at gasgas narin. May sira sa gilid ng takip, alam kong hindi sa akin yun dahil wala pang isang lingo sa akin ang ePIPE ko. At saka 3.70 lang ang volage ko. nakakapagtakang 4.90 ang naka fixed na voltage sa ePIPE na ito. Isa pa sa gusto ko sa ePIPE ko ay nababago nga ang volatge nito mula sa 1.0 hanggang sa 6.0, ngunit ngayon ito'y nasa 4.90 lang at hindi ko na mabago ang voltage.
NAKAKADISMAYA ang mga taga SM BALIWAG.
sana naman ay mabigyan ng pansin ang liham ko na ito.
lubos ng NAIINIS
este gumalang
paba?
ROYdelacruzKABILING