Wednesday, August 24, 2011

jump brother EB entry

Sa bawat yugto ng buhay ang bawat segundo nito ay mayhatid na panibagong buhay. Buhay na talaga namang makapagpapabago ng isang tao, tulad na lamang ng JUMPSHOT na wala naming sawang ginagawa sa “tuwing kami at may camerang kasama”. Sa bawat pagtalon na aming ginagawa kalakip nito ang mga ngiti na pumapawi sa lahat ng mga hindi magagandang bagay na nangyari sa aming nakaraan,kaakibat din nito ang pag asang sa bawat JUMPSHOT ay may maabot na bagong pangarap at sa pag apak muli sa lupa ay naroon parin ang mga taong kasama mo sa iyong paglalakbay tungo sa masaganang kinabukasan. Maraming salamat po EATBULAGA sa walang sawa ninyong pagtalon kasama ang bawat Pilipino san mang dako ng mundo. MABUHAY po kayo.

Thursday, August 11, 2011

Ligaw >< ligaw





  • Sa bawat oras na idinaraos,
    Ang batis ay patuloy sa pag-agos,
    Tulad ng pag-ibig kong lubos,
  • Na dapat sa iyo'y ibuhos.












    Pag silip ng araw sa madaling araw,
    Ang sinag nito'y lubos na pumupukaw,
    Sa damdamin kong nag uumapaw,
    Nananabik na ika'y makaumayaw.




                  Nung una akala ko'y pangarap,
                  Ang pakiramdam ko'y lumulutang sa alapaap,
                  Hindi ko na nais pang kumurap,
                  Sa kadahilanang baka ika'y lumisan sa isang iglap.











                            Sa pagsapit ng dapit hapon,
                            Masaya akong naharap ang panahon,
                            Handa ng itatak sa puso ang kahapon,
                            Para sa panibagong umagang puno ng hamon.




















                          Ligaw >< ligaw





                          • Sa bawat oras na idinaraos,
                            Ang batis ay patuloy sa pag-agos,
                            Tulad ng pag-ibig kong lubos,
                          • Na dapat sa iyo'y ibuhos.












                            Pag silip ng araw sa madaling araw,
                            Ang sinag nito'y lubos na pumupukaw,
                            Sa damdamin kong nag uumapaw,
                            Nananabik na ika'y makaumayaw.




                                          Nung una akala ko'y pangarap,
                                          Ang pakiramdam ko'y lumulutang sa alapaap,
                                          Hindi ko na nais pang kumurap,
                                          Sa kadahilanang baka ika'y lumisan sa isang iglap.











                                                    Sa pagsapit ng dapit hapon,
                                                    Masaya akong naharap ang panahon,
                                                    Handa ng itatak sa puso ang kahapon,
                                                    Para sa panibagong umagang puno ng hamon.