Wednesday, November 2, 2011

US VISA granted/approved C1D visa (for seafarers/crew member)

"May mga bagay  sa buhay ng tao na kailangan daanan dahil sa pag tahak dito ang bawat hakbang mo ay may kalakip na pag sisikap at pag asang sa dulo nito ay may kasaganahang makakamtan."


High School palang dapat alam mo na kung anung kurso ang iyong gustong tahakin dahil pagtapos ng iyong kolehiyo ito na ang magiging habang buhay mong trabaho, kung pipiliin mong maging marino, dapat may dedekasyon at tatag ng loob kang harapin ang lahat ng bagay. Alam kong hindi ganung kadaling maging marino kahit alam mo sa sarili mo na matalino ka at marami kang alam laging tatandaan na "ang tunay na talino ay hindi nasusukat sa dami ng iyong nalalaman kung hindi sa dami ng taong nagmamahal at totoong nakaharap sa iyo."




sa pag guhit mo sa mga pangarap mo wag kang mawalan ng pag asa, may mga bagay lang talaga sa mundo na hindi pa nakalaan para sa iyo, ngunit kung may pagtyatyaga at pag pupursigi ito ay darating at makakamit mo.


Nung una akala ko hindi na ako ma kakahu ng US visa, dahil sa unang beses ang ako'y kumuha nito "VISA DENIED".
hindi ko man ninais na ito ay maganap, ngunit ito ay nakatakda sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin nung mga panahong iyon, wala ako sa sarili ko pag labas ko ng US embassy, yung tipong wala kang gustong makitang tao, pilit ang mga ngiti mo, at gusto mo na lamang mag lakad sa kawalan... 


Ang mga pangarap ko sa buhay ay para na lamang 9-11 attack na bigla na lamang gumuho sa isang iglap, isa pa naman sa pinaka mahalagang bagay bilang isang MARINO na ikaw ay magkaroon ng US VISA. 


"Mandatory sa mga aplikante na kumuha at ma grant ang kanilang US VISA bago makasampa sa barko,yan mahigpit na patakaran ng halos lahat ng Manning Agencies."
- ang unang tanong sa agency na aaplyan mo kung may US VISA kana.


Marami sa mga US VISA applicant ang nagtataka kung bakit marami sa kanila ang bumabagsak, lalo na kung "First Timer" ka.







eto ang ilan sa aking mga karanasan, ang mga pinagdaanan na malugod kong ibinabahagi sa iyo na kahit papaano ay alam kong makakatulong sa kapwa marino ko.




Bago ang araw ng Interview:


1. Mag aral ng mabuti at aralin ang mga posibleng tanong na maaring itanong ng consul sa iyo. lahat ng nakasulat sa application mo at sa mga papeles mo, siguraduhing kabisado at alam mo ang mga dates.


2. Mag basa ng mga bagay na makakatulong para mapaghandaan ang US visa Interview. (tulad nito tama ang iyong ginagawa dahil kahit paano ay nagbabasa ka para sa ilang tips na maari mong makuha. mag comment ka naman kung itong page nato ay nakatulong sa iyo. at kung may mga katanungan ka.)


3. Kumausap ng ibang MARINO na may karanasan na at ito'y isapuso, kung maaari ay isulat mo ang lahat ng maririnig mo para matandaan mo.


4. Huwag mahiyang magtanong ng mga bagay na hindi mo alam. Dahil ito ang isang paraan para malaman mo ang mga bagay na gusto mo at makadagdag ng kaalaman mo.


Sa gabi bago ang nakatakdang Interview:


1. Ihanda ang lahat ng dokumento at mga kailangan para sa US Visa Interview.


2. Kumain ng ayon sa iyong gusto para makatulog ng maayos.


3. Matulog ng sapat para may lakas at maging handa sa araw ng iyong pinakahihintay.


4. Magbasa ulit kung hindi ka makatulog (kinakabahan,excited, at kung anu-anu pa.)


5. HUWAG KALIMUTANG MAGDASAL.




Sa Araw ng Interview:


1. MAGDASAL AT HUMINGI NG GABAY SA MAY LIKHA.


2. Kumain at ihanda ang sarili para sa US VISA Interview. Mag suot ng semi-formal na kasuotan na aayon sa iyong pagkatao. Ang pagkakaraoon ng presentableng pagkatao ay isang mahalagang bagay. Hindi mo na kailangang magsuot ng magagarang kasaootan maging "ikaw" at totoo sa sarili mo ay sapat na.


3. DUMATING SA TAMANG ORAS: kung maari magtungo/ magpunta sa US Embassy ng mga isang oras bago ang nakatakdang oras ng interview. 


4.  Huwag mahiyang magtanong sa mga empleyado ng embahada, maging magalang lamang at magpasalamat.


5.  Sa pag pasok mo sa gate mag tanong sa guard kung saan ang US VISA Interview, malugod naman silang sasagot sa iyo at ituturo ang tamang daan.


6.  Sa pila may mga empleyado sa labas para i check ang iyong schedule at may ilalagay na sticker sa likod ng iyong passport. at scan nila para ma verified.


7. Sa non-immigrant  door ka papasok. para sa checking ng iyong dalang mga gamit. 
    
    *** iwasan ang pagdadala ng anumang mga electronic na gamit tulad ng CELLPHONE,CAMERA,IPOD,IPAD, at kung anu anu pa. ilang minuto lang naman ang itatagal mo sa US embassy..


8. Pagkatapos ma check ang iyong dalang kagamitan gamit ang x-ray, pwede ka nang mag tungo sa susunod na istasyon, ibigay ulit ang hawak mong passport at schedule sa isa pang window para ma scan at ma-verified ulit at bibigyan ka nila ng PINK na papel.  tapos maari ka nang pumasok sa interview bldg./room. 


9. Pag pasok sa loob may guard na mag check na naman ng gamit mo. Buksan lamang ang bag at lahat ng mga dala mo para mapabilis ang mag pache-check.


10. Sulatan lamang ang lahat mga dapat sulatan sa PINK na papel.
    10.1 : name of father: (pangalan ng iyong ama)
    10.2 : name of mother: (pangalan ng iyong ina) *isulat ang pangalan ng iyong ina nung  sya ay dalaga pa.
    10.3 : name of spouse: (pangalan ng iyong asawa) *isulat ang pangalan ng iyong asawa nung  sya ay dalaga pa.
         * if wala pang asawa hayaan ng walang sulat *leave it blank. at magtungo/ pumunta sa screening window.
11. Screening Window: dito ang karaningwang tanong ay kung may experience kana at kung na denied kana at kung kailan. maging praktikal sa pagsagot. Kung ano ang tanong iyon lamang ang sagutin. maging sigurado din sa mga dates dahil kung pabago bago at hindi sigurado hihingan ka ng patunay para makatuloy. 


12. Biometrics: ito ang procedure na "finger print". kahit americano ang nag sscan magalang sila at bumabati ng MAGANDANG UMAGA/TANGHALI/HAPON SA IYO. Kailangan mo ring bangitin ang iyong PANGALAN AT ANG IYONG KAPANGANAKAN. (name and birthday). Pagkatapos ay mag hintay na tawagin ang iyong numero at maari ka nang mag punta sa interview window. May na aasist/guide naman sa loob ng embassy maari ka ring mag tanong sa kanya kung anu na ang susunod mong gawin may pagkakataong dadalhin ka nya sa bakanteng interview window kagad.


13. Interview Window:


       huwag kabahan, maging handa at confident, ikaw ay handa na dahil alam mong nag aral ka at alam mo na ang mga bagay na itatanong nya.ngumiti at bumati,tumayo ng tuwid, huwag magulat kung tagalog magsalita ang consul, sumagot ng ingles para mas professional. at kung kinakabahan huwag ipahalata huwag lumingon kung saan saan tandaan ang eye to eye contact sa consul ay mahalaga, at huwag mag kamot ng ulo kung hindi alam ang tanong at sagot. maari mong sabihin na "pardon sir may you repeat the questions?" 


       sumagot lamang ng naayon sa kanyang katanungan. maging maikli at tugma lamang, siguraduhing tama ang lakas at malinaw ang iyong pagsagot.


       maging magalang sa pag sagot, huwag nang makipagtalo para hindi na humaba ang diskusyon at maari pa itong maging dahilan ng pag ka DENIED ng US Visa mo, maging makatotoo at laging ihanda ang mga documento kung sakaling hanapin ito ng consul.


       magpasalamat kung anu man ang kahuntangan ng iyong interview. "approved or denied"


       kung APPROVED: ipapadala nila sa iyong agency pagkatapos ng isang lingo.
       kung DENIED ibabalik lahat sa iyo ang iyong documento kasama ang passport mo.




       GOODLUCK!!!


 **** ilan sa mga katanungan na dapat malaman para sa US VISA Interview. ito ay aking mga nakalap sa aking mga kasamahan at mga bagay nabasa at sa tulong narin ng mga taong nagmamahal sa akin.


1. experience (lahat ng bagay na naayon sa iyong naging trabaho, maging sino ang mga kasamahan mo at kung anu ang pangalan ng iyong barko at mga dates)
2. joining port
3. name of vessel
4. flag of registry
5. type of vessel
6. gross tonnage
7. US Agent name and address
8. name and address of Principal


may mga tanong din about sa safety 
duties and responsibilities
classes of fire, extinguishing agent , extinguishing method
at marami pang iba.






Getting your Seaman's Visa
Transit (C-1) and Crew (D) Visas *(US Embassy site)






TRANSIT (C-1) AND CREW (D) VISAS

No visa is required for a crew member to enter United States waters aboard a ship.  A crew member may remain on board a ship in U.S. waters, including U.S. ports, for up to 29 days.
  • Except in cases of emergency, if a crew member in U.S. waters wishes to get off of the ship, then he or she must have a D visa.
  • If a crew member needs to fly to the United States to join a ship, then he or she must have a C-1 visa in addition to the D visa.  In such cases, the crew member would be issued as a combined C-1/D visa.
The U.S. Embassy has an obligation to ensure that persons applying for D and/or for C-1 visas have a legitimate need for them.  The determination of need is based on when and how the applicant will enter the United States, not on speculative grounds of possibly needing a particular visa type at some undetermined time in the future.  Manning agencies are responsible for providing us with accurate information concerning crew members’ travel plans.
Please read the following FAQs before contacting us with questions about transit (C-1) and crew (D) visas:
  • Why are you no longer automatically combining C-1 and D visas?  Visas are issued to bona fide travelers on the basis of demonstrated need, and each visa issuance is adjudicated on a case-by-case basis.  Individuals receive visas, not groups or companies, and not all crew members require both C-1 and D visas.  
  • Do “crew list” visas still exist?  “Crew list” visas no longer exist.  The United States Congress has mandated that all visa applicants undergo a personal interview. 
  • What guidelines can you offer concerning who is likely to receive combined C-1 and D visas?  In addition to crew members with averifiable need to fly to the United States to join a ship, crew members with a history of responsible use of previous U.S. visas may be found eligible for combined C-1 and D visas.  
  • Are there any changes in how long it takes to receive a visa?  The time it takes to process a visa has not changed.  Most manning agencies will receive the visas for their crew members within one week of the crew members’ interviews at the Embassy.  
  • Some crew members who are flying to join ships in countries outside the United States must pass through a U.S. airport to reach those countries.  Do they need U.S. visas?  Yes.  This is the purpose of the C-1 visa.  It enables aliens—crew members as well as others—to transit the United States.  Crew members joining ships in U.S. waters transit the United States (after arriving by aircraft) on their way to their ship.  Crew members flying to join ships in other countries sometimes must transit one or more U.S. airports to reach their destinations.  In such cases, crew members must demonstrate a verifiable need for a C-1 visa.   
  • Are there any changes in B-1 visas for persons working aboard private yachts or B-1/OCS visas for those working aboard international vessels on the U.S. Outer Continental Shelf or in the Gulf of Mexico?  No, there are no changes in these visa categories.
  • We understand that vessels will be fined or subject to and charged for guards if they enter a U.S. port with crew members who do not have valid U.S. visas. Is this true? No, this is not true. A vessel entering a U.S. port is never subject to fines or the imposition of guards because of the visa status of its crew members. However, vessels that have a history of crew members “jumping ship” or other security-related issues may be required by U.S. Customs and Border Protection to post guards.
How To Apply    
      
All seafarer recruitment agencies must follow the steps provided below.
To apply, please comply with Nonimmigrant Visa Application Procedures.  The applicant must submit the additional documentary requirements listed below. 
It is not required under U.S. law for seafarers to be members of an employment agency. Therefore, seafarers can apply through a local Filipino employment agency or can apply on their own.  It is important to note that seafarers not backed by an employment agency will still require a valid contract and letter of guarantee from their employer and must meet the same standards as other applicants.
  1. Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) issued by the Philippine Department of Transportation and Communication’s Maritime Authority (MARINA). 
  2. Seafarer’s Registration Card (SRC) issued by the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), with attached signed photo. 
  3. First page of the original valid Overseas Employment Commission Certification (OEC) issued by the POEA or a POEA in-house processed OEC issued by certified agencies.
  4. Seafarer recruitment agency guarantee letter with signature and all appropriate information. Each seafarer must be issued an individual guarantee letter with each application.
  5. Employment history – applicant’s job experience from age 21 up to present. 
  6. All seaman’s books that have expired in the past ten years and any additional seaman’s book or passport which contains a U.S. visa. 
  7. Signed and valid contract of employment in POEA format. 
  8. Original Basic Safety Course (BSC) training certificate with Personal Safety and Social Responsibility (PSSR) (photocopies are not accepted). 
  9. College transcripts and diplomas (first-time seafarers). 
  10. Certifications of training (first-time seafarers). 
  11. Employment certification letters from previous employers (first-time seafarers).
  12. For seafarers taking unusual or uncommon seafaring positions, seafarer recruitment agencies must provide a complete job description and indicate whether the position is a temporary or permanent component of the ship’s crew. In some circumstances, seafarer applicants may be requested to submit a complete itinerary for the vessel or a U.S. Coast Guard ship clearance letter.
  13. Copy of the Appointment Confirmation Page.
Notes:
  • Seafarers should submit visa applications as early as possible, but at least one week before their scheduled departure.  The Nonimmigrant Visa Unit will make every effort to process applications quickly.
  • In certain cases, additional documents may be requested. 
  • All documents must be originals.  Photocopies will not be accepted, unless specified. The applicant must submit these documents to the interviewing consular officer during the interview. The Nonimmigrant Visa Unit does not accept documents before the interview. Any documents received will not be returned and will be destroyed. Please note, however, that presentation of the documents will not guarantee visa issuance. Applicants must still qualify for the type of visa being sought. 
Guidelines for Document Submission   
Every seafarer recruitment agency should carefully check all seafarer applications prior to submission to ensure the form has been filled out correctly and completely. Incomplete applications will be denied.  Follow these guidelines when submitting documents:  
  • Remove plastic covers or jackets from SIRBs and passports.    
  • Remove excess papers and staples. 
  • The guarantee letter must be stapled to the back of the application form. All guarantee letters must follow the format described in the instructions found in the Embassy accreditation kit. Guarantee letters not in the correct format or without required information will not be accepted. 
  • The SRC must be attached to the inside front cover of the SIRB. 
  • The POEA issued or in-house processed contract of employment and OEC must be stapled together inside the back cover of the seaman’s book. Original documents including the contract, OEC and SRC will be returned to the seafarer after the application is processed.
Notes:  
  • The seafarer recruitment agency must contact the call center to make any corrections to inaccurate information before the applicant’s interview.
  • Please be advised that this information may change without prior notice. Every effort will be made to inform all seafarer recruitment agencies in a timely fashion. 
  • The Embassy will not approve and process improperly documented applicants to enable them to join vessels or catch flights on short notice. The Embassy will not be responsible for delays and missed connections.
Non-Compliance   
      
Non-compliance with the above requirements will result in the non-processing of the visa application. 

Monday, October 31, 2011

Lipton Philippines Reel Life PossibiliTEAS "LIPTONESS de GATA"




 Reel Life PossibiliTEAS










   Sa buhay ng tao 
maraming 
possibiliTEAS 
na pwedeng mangyari, ako bilang PINOY alam kong hindi mag papatalo sa mga pagsubok ng buhay, handang harapin ang bawat istasyon na aking madadaanan.

 Hindi man ako pinalaki ng kumpleto sa lahat ng bagay hindi ko ipagdaramot sa bawat idibidwal lalo na sa mga kabataan ang isalin ang bawat bagay na aking natutunan. Dahil alam kong sa bawat pag lalakbay ng tao hindi mawawala ang kakayahan nitong magbigay ng karanasan at kaalaman, hindi mo kailangang magmadali sa bawat pag hakbang,mag pahinga at tikman ang sarap ng Lipton PossibiliTEAS mula sa Lipton Philippines ,sa bawat istasyon na iyong kinahahantungan ang mga nakatakdang mangyari sa buhay ng tao ay may kahulugan at may mga matututunan, sa ating pag lalakbay nais kong masilayan ang ang ang mga batang patuloy na nangangarap at handang lumaban para malaman ang bawat bagay upang sa pagsapit ng kanilang panahon sila ay may kwento at karanasan na may kalakip na kaligayahan.




"minsan ang mga bagahe na ating mga dala dala ang magiging dahilan para
mapunan ang mga pagkukulang, na talaga namang handang
umagapay habang buhay."

Sa bawat bukang liwayway sa atin buhay, maraming bagay tayong gustong gawin at pagtuunan ng ating atensyon , kailangan nating maglakad ng mahaba para maabot natin ang bawat pangarap sa ating buhay, Sa bawat pagsubok ng tadhana at bilis ang pag patak ng oras madalas kailangan tayong tumakbo para makasabay sa agos nito.Ngunit hindi ba mas masarap tumakbo at lumaban sa buhay mo kung alam mong ikaw ay may kasabay, karamay at kaagapay, . Alam mong kahit anung pagsubok, lubak, putik, tinik, galas ng lupang iyong tinatahak nariyan ang mga taong mahalaga sa iyo para ikay sabayan at protektahan, alagaan at damayan sa bawat hakbang na iyong inilalaan sa iyong kinabukasan, at kaagapay tulad ng Lipton Philippines.
Ang pagmamahal ang isa sa tunay na pinaka-mahalaga sa bawat isa sa atin, sa bawat pintig ng puso ng bawat isa ay madarama mo ang daloy ng dugo at kasiyahan na sa atin ay aantig, at magbibigay ng tunay na kasiyahan. Dito mo rin mararamdaman ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa ng walang alinlangan at lubos na katapatan.





Join now! Create your very own LIPTON concoction and you just might be the lucky winner of a BRAND NEW IPAD 2! 



How to join:

- (/) Make and name your own unique Lipton Yellow Label Tea concoction
- (/) Create a short video (not longer than 2 minutes) or shoot a fun picture showing how you can enjoy exciting activities while drinking your Lipton Yellow Label Tea concoction!
- (/) Blog about your photo or video - tell us how your day was made more exciting with Lipton Yellow Label Tea! Don't forget to tag your entry with "Lipton Yellow Label Tea Contest" and "Reel Life Possibiliteas"
- (/) Don't forget to affix the Lipton Bloggers' Contest badge on the body of your blog post.
-(/) Submit the URL of your blog post and/or video to kjrementilla@netbooster.com
-(/)Deadline is on October 31, 2011
-(:)) The winner will receive an iPad 2!








"LIPTONess de GATA" 



mga sangkap:

1 niyog
1 Lipton Tea bag

paraan ng pagawa:

Biyakin ang 1 niyog at kunin ang sabaw nito. pakuluin ng ilang minuto, hatiin sa dalawang parte ang sabaw nito at itabi.

Kayurin ang laman ng niyog para makagawa ng kakang gata(purong gata) ang kalahating parte ng sabaw ng niyog ang gawing pang sabaw sa gata dahil ang sabaw nito ay may natatangin sarap at tamis na bukod tangi.

Ilagay ang 1 Lipton Tea bag sa tasa at ilagay naman ang isa pang parte ng pinakuluang sabaw ng niyog. 

Lagyan ng asukal ayon sa iyong panlasa.

Para sa presentasyon maari mong lagyan ng bulaklak sa gilid ng tasa,tsokolate, sulat, o kahit anu pang bagay na pwedeng makapagpasaya at alam mong makakapagpadama ng tunay na halaga sa taong pag bibigyan mo ng LIPTONess de GATA.


*pwede rin na ang tubig na niyog na lamang ang iyong gamitin para sa iyong LIPTON TEA para sa ibang  Reel Life Possibiliteas...



Discover endless possibiliTEAS with Lipton!
Lipton Yellow Label Tea Contest , Reel Life Possibiliteas , Lipton Philippines 

Wednesday, August 24, 2011

jump brother EB entry

Sa bawat yugto ng buhay ang bawat segundo nito ay mayhatid na panibagong buhay. Buhay na talaga namang makapagpapabago ng isang tao, tulad na lamang ng JUMPSHOT na wala naming sawang ginagawa sa “tuwing kami at may camerang kasama”. Sa bawat pagtalon na aming ginagawa kalakip nito ang mga ngiti na pumapawi sa lahat ng mga hindi magagandang bagay na nangyari sa aming nakaraan,kaakibat din nito ang pag asang sa bawat JUMPSHOT ay may maabot na bagong pangarap at sa pag apak muli sa lupa ay naroon parin ang mga taong kasama mo sa iyong paglalakbay tungo sa masaganang kinabukasan. Maraming salamat po EATBULAGA sa walang sawa ninyong pagtalon kasama ang bawat Pilipino san mang dako ng mundo. MABUHAY po kayo.

Thursday, August 11, 2011

Ligaw >< ligaw





  • Sa bawat oras na idinaraos,
    Ang batis ay patuloy sa pag-agos,
    Tulad ng pag-ibig kong lubos,
  • Na dapat sa iyo'y ibuhos.












    Pag silip ng araw sa madaling araw,
    Ang sinag nito'y lubos na pumupukaw,
    Sa damdamin kong nag uumapaw,
    Nananabik na ika'y makaumayaw.




                  Nung una akala ko'y pangarap,
                  Ang pakiramdam ko'y lumulutang sa alapaap,
                  Hindi ko na nais pang kumurap,
                  Sa kadahilanang baka ika'y lumisan sa isang iglap.











                            Sa pagsapit ng dapit hapon,
                            Masaya akong naharap ang panahon,
                            Handa ng itatak sa puso ang kahapon,
                            Para sa panibagong umagang puno ng hamon.




















                          Ligaw >< ligaw





                          • Sa bawat oras na idinaraos,
                            Ang batis ay patuloy sa pag-agos,
                            Tulad ng pag-ibig kong lubos,
                          • Na dapat sa iyo'y ibuhos.












                            Pag silip ng araw sa madaling araw,
                            Ang sinag nito'y lubos na pumupukaw,
                            Sa damdamin kong nag uumapaw,
                            Nananabik na ika'y makaumayaw.




                                          Nung una akala ko'y pangarap,
                                          Ang pakiramdam ko'y lumulutang sa alapaap,
                                          Hindi ko na nais pang kumurap,
                                          Sa kadahilanang baka ika'y lumisan sa isang iglap.











                                                    Sa pagsapit ng dapit hapon,
                                                    Masaya akong naharap ang panahon,
                                                    Handa ng itatak sa puso ang kahapon,
                                                    Para sa panibagong umagang puno ng hamon.




















                                                  Thursday, June 23, 2011

                                                  SCAM!!! so sad.


                                                  Hindi ko lubos maisip kung bakit may taong manloloko, ngunit alam ko rin na talagang meron manloloko sa mundo,
                                                  eto ang istorya ng aking pagkakaloko sa online.

                                                  habang ako'y nag hahanap ng isang netbook sa internet, ako'y napunta sa FB page ng isang ONLINE seller, madami syang gadget na binebenta, ang gaganda at nasa trend talaga, ngunit sa mga oras na ito ang netbook lamang ang aking mabibili, dahil may mga bagay din akong pinaglalaanan para sa iba kong pera, nag padala ako sa kanya ng mesahe, kinabukasan nag response naman siya at binigay ko ang aking numero para sa masmabilis na transaksyon. 
                                                  *ito ang mga screenshots ng aming paguusap
                                                  ang kanyang cp number ay naka off na, at ang kanyang facebook at deactivated na.

                                                  sa mga makakabasa kung maari po lamang ay magkomento kayo kung anu ang dapat kong gawin at kung anu anu pa ang mga proseso na aking madadaanan kung kayo ay nabiktima rin ng ganitong SCAM.














                                                  After reporting to globe telecom gcash hotline na temporary close ang account ni 
                                                  MELANIE JOY TANJI. 
                                                  ngunit kinakailangan ko paring mag punta sa GLOBE CENTER at sa POLICE STATION  para sa pormal na paghahain ng complaint laban sa kanya.



                                                  ang susunod na hakbang na ibinigay ng GLOBE TELECOM sa akin ay maghintay ng 30 araw para sa imbestigasyon at para makontak ang si MELANIE JOY TANJI para makapaghain ng counter affidavit sa aking reklamo, ngunit mula nung araw na iyon ay patuloy ko paring tinatawagan ang kanyang numero +639352946299 ngunit itoy naka OFF na.

                                                  * sa palagay ko masyado ng matagal ang 30 araw para sa imbestigasyon na ito. Kaya sa susunod na mga araw ay aking sasadyain ang NBI, BSP, at ilang pribadong ahensya na alam kong makakatulong sa aking para sa kasong ito. 










                                                  *********************************************************************************
                                                  UPDATE:

                                                  NAKITA KO SA AKING MSG. BOX SA FB NA NAGBAGO NA ANG KANYANG PANGALANF FROM  Miyuki Yoshida Tanji to HtechBaby Kiddoos .ANG IBIG SABIHIN LANG NITO AY ACTIVE PARIN ANG KANYAN ACCOUNT. NAG TRY AKONG MAG SEARCH GAMIT ANG IBANG FACEBOOK ACCOUNT NGUNIT ITO'Y HINDI MA DETECT (*pwedeng i set ang iyong fb account na hindi ma search ng iba unless my link
                                                  http://www.facebook.com/profile.php?id=100002067357597&ref=ts here's the new account.
                                                  or friends ka na)TRY NYO I SEARCH NG NAME LANG NYA WALANG LALABAS THEN TRY THAT LINK AFTER. NAG SEARCH AKO SA GOOGLE NG BAGO NYANG PANGALAN ANG PURO SCAM ANG LUMABAS, NAG LINK ITO SA MGA SUMUSUNOD NA LARAWAN *print screen






                                                  Monday, June 20, 2011

                                                  PLDT myDSL’s Internet to Sawa TRANSFORMS my Internet experience from being a simpleng galang PINOY to simpleng galang may ipagmamalaking PINOY .



                                                   



                                                  PLDT myDSL is boosting all their myDSL plans starting with the Plan 3000 subscribers. And as a thank you to bloggers, PLDT myDSL is hosting a movie-screening of Transformers 3: Dark of the Moon. Another blockbuster movie to all the Nuffnangers for your continous support to PLDT and Nuffnang!



                                                   Visit www.myworldmydsl.com for more information or call 171 to confirm your subscripstion today!




                                                  PINOY.... NOYPI.... kahit anu pa man ang ating mga tawag sa isa't  isa. Alam kong iisa lamang ang tunay na kahulugan ng bawat salita. Ito ay ang pagkakaroon ng tunay na pagkatao, pagkataong bumubuo at nagdurugtong sa bawat isang para sa pagkakakilanlan bilang isang tunay na PINOY.Tulad ng PLDT myDSL mula sa 3Mbps ngayong ay may isa na namang maipagmamalaki ang mas pinabilis na 5Mbps. Alay sa ating mga PINOY. Hindi ba napaka sarap isipin na lubos tayong inaalagaan ng PLDT myDSL upang tayo'y mapagsilbihan at mabigyan ng serbisyong ating lubos na magugustuhan at ikakasiya para makasabay ang bawat isang Pinoy sa agos ng buhay patungo sa isang maunlad na bansa? at ito ay walng pag aalinlangang ibinibigay ng PLDT myDSL na LIBRE.

                                                  maraming salamat sa PLDT myDSL’s Internet to Sawa TRANSFORMS my Internet experience from being a simpleng galang PINOY  to simpleng galang may ipagmamalaking PINOY .

                                                  "simpleng galang PINOY": bilang isang galang manunulat/ BLOGGER ang nais ko lamang ay ang maisulat at maibahagi sa bawat isa ang tunay na laman ng aking puso, puso na nagbibigay buhay sa aking kaisipan upan maisulat ang detalye sa bawat paghakbang sa aking buhay, mga pangyayaring hindi ko malilimutan at kalapit dito ang pag-asa na sanay sa bawat taong makakabasa ang aking likhang obra ang may leksyon silang matututunan at maisapuso rin nila ang bawat letra na aking naisulat.


                                                  "simpleng galang may ipagmamalaking PINOY": Ngayon na alam kong may mga kaakibat na akong tulad ng PLDT myDSL at NUFFNANG PHILIPPINES,  taas Noo na akong makakapaglakad at  Makakagala sa bawat estasyon ng ating buhay at lakas loob ko sasabihin na sila ang isa sa dahilan kung bakit mas naabot ko ang estado ko sa aking pagsusulat. Pagsusulat na walang hanggang para sa ikakaunlad ng aking pag katao at sa mas pinabilis na serbiyo para maibahagi ko sa bawat PINOY na tulad ko.


                                                  transformation from being a regular blogger to being a Nuffnanger

                                                  Napakasarap maging bahagi ng Nuffnang family, hindi ko man masabi sa kanila ng personal ang saya at ligaya ko dahil sa pagiging isang tunay na Nuffnanger. Alam ko nararamdaman nila iyon mula sa aking puso, dahil alam ko rin na iyon din ang kanilang nararamdaman para sa aming lahat.MARAMING SALAMAT PO NUFFNANG PHILIPPINES

                                                  noong una akala ko walang makakapansin sa aking mga likha,. ngunit mula ng ako'y mabigyan ng pagkakataon na makilala ang Nuffnang Philippines lubos ang naging pagbabago sa hindi lamang sa aking mga sulatin kung hindi pati na rin sa aking pag katao.