Sunday, April 10, 2011

crossROADreverse


Somnio and Unbox are giving away SOMNIO MISSION CONTROL RUNNING SHOES (worth more than P7,000)! Mechanics in the entry below :)






Sa bawat pagtahak natin sa atin buhay, maraming bagay tayong madadaanan, minsan kailangan nating maglakad ng mahaba para maabot natin ang bawat estasyon ng ating buhay, sa bawat pagsubok ng tadhana at bilis ang pag patak ng oras madalas kailangan tayong tumakbo para makasabay sa agos nito.Ngunit hindi ba mas masarap tumakbo at lumaban sa buhay mo kung alam mong ikaw ay may kasamang tatakbo sa bawat segundo ng buhay mo. Alam mong kahit anung pagsubok, lubak, putik, tinik, galas ng lupang iyong tinatahak nariyan ang Somnio Running Shoes para ikay samahan at protektahan. Alagaan at damayan sa bawat hakbang na iyong inilalaan sa iyong kinabukasan.






Maraming bagay ang dapat nating isaalang-alang para sa ikakaunlad ng ating pagkatao.

Ilan lamang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 (ang mga bagay na GAGAWIN ko AT GUSTO kong makamit kasama ang Somnio Running Shoes )






KAKAYAHAN sa pag-DEDESISYON:
Sa bawat Pagtakbo sa atin mundong ginagalawan, madalas kailangan nating ng tamang DESISYON. Desisyon na talaga namang susubok sa atin pagkatao at katatagan sa pag harap sa bawat indibidwal ng atin makakasalubong, hindi man angkop ang bawat salita at gawa para sa ibang tao, kailngan parin natin ito bigyan ng tamang atensyon at pag ukulan ng panahon. Upang sa bandang huli mapatunayan mo na ang desisyon mo ay tama at walang pagsisisi.






KAKAYAHAN sa pag-KATAO:
Ang bawat tao sa mundo ang may kakayahang mapatunayan ang kanyang pagkatao, sa bawat kilos at galaw, hindi man nya masabi ng harapan kung anu ang gusto nyang isakatuparan, ang mahalaga ay wala siyang tinatapakang tao, walang taong inaalipusta at walang taong nasasaktan sa bawat pag hakbang ng kanyang mga paa patungo sa tagumpay na nais nyang makamtan.





KAKAYAHAN sa PANINIWALA:
Mahirap maniwala sa isang bagay na alam mo naman wala pa sa iyong harapan, nguit ito’y patuloy na dumadaloy sa iyong imahinasyon. Sa bawat minuto mula sa iyong pagtulog hindi maalis sa iyong isipan ang mga bagay na lubos mong pinaniniwalaan na alam nating darating sa ating mga buhay. Mahirap din magkaroon ng kakayahang maniwala sa mga taong kahit alam mong dapat mong paniwalaan dahil narin sa kanilang mga kagagawan ay nagpawala sa kakayanan nitong magpaniwala  sa isang bagay na totoo.





KAKAYAHAN sa PANANAW:
Ang pananaw sa buhay ng tao ang iba-iba may roon mag karoon lang ng maisusuot na sapatos ay kuntento na, may roon namang ang gusto ay sa kanya ang lahat. Hindi naman natin nais ankinin ang bawat oras at titulo sa mundo dapat rin tayong tumayo,lumaban at tumakbo para sa ikakaunlad ng ating pagkatao, upang marating natin ang landas na ating tinutungo. 








KAKAYAHAN sa PAGSASALITA:
Ang pagkakaroon ng kalayaan sa pag sasalita at ang magkaroon ng kakayahan na maiparinig at maipadama sa bawat isa ang tunay mong saloobin at isang katangian na lubos na dapat nating ipag-malaki. Sa bawat mensahe na ating ibabahagi ay marapat lamang na ma kurot sa puso ng bawat isa na ating makakasalamuha. Marapat din lamang nating itong bigyan ng tamang pag papahalaga at bawat indibidwal na ating mababahagian ng ating kakayahan sa pagsasalita.





KAKAYAHAN sa pagiging- IKAW:
Bilang ikaw, AKO, tayo, bilang isang mamamayan n gating bansa ay dapat may kakayanan maging isang tunay na tao. Tao na handang lumaban sa mga pagsubok at sumoong sa bawat hamon ng buhay.









KAKAYAHAN sa PAGMAMAHAL:
Ang pagmamahal ang isa sa tunay na pinaka-mahalaga sa bawat isa sa atin, sa bawat pintig ng puso ng bawat isa ay madarama mo ang daloy ng dugo at kasiyahan na sa atin ay aantig, at magbibigay ng tunay na kasiyahan. Dito mo rin mararamdaman ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa ng walang alinlangan at lubos na katapatan.












maraming salamat :)


No comments:

Post a Comment