anu ang importansya ng pag lipad kung ikaw sa sarili mo ay hindi mo alam ang patutunguan mo?
hindi natin masasabi kung anu ang nasa isip ng bawat isa, hindi rin natin ang hawak ang buhay ng iba. May mga tanong tayong hindi masasagot sa sariling isip lamang minsan kailangan nating lawakan ang ating pag iisip para sa bandang huli alam natin na tama ang ating mga nagawa, sa buhay ng tao iba iba rin tayo ng estado, ngunit hindi nangangahulugan na ikaw bilang isang nasa mas mataas na kinatatayuan ay maari mo ng gawin ang mga bagay na alam mong makakasakit ng damdamin ng ibang tao. Maari lamang mag tanong ng mga bagay na hindi alam ng sa gayon ay alam ang mga dapat ikilos at gawin...
kung ikaw ay malayang mag papasaya maari mong tahakin ang landas na hindi mo pa alam, may mag unos na darating, mga mga pagsubok na dapat harapin. laging isipin na ang bawat isa rito ay may kalakip na leksyon na maari mong magamit sa mga susunod na yugto ng buhay mo.
pinili ko ito, ito ang gusto ko, ito ang ginusto ko..... ilan lamang sa mga katagang aking masasabit kung ako ay iyong tatanungin kung bakit ako naglalayag kasama ang mga bagong tao at bagong kabanata ng buhay ko.
No comments:
Post a Comment