Monday, March 21, 2011

Name top 3 unforgettable memories during high school.


Roy D. Kabiling
‎1.UNANG ARAW SA BAGONG PAARALAN: ang araw ng pakikibaka sa mga bagong tao sa bago kong iskwelahan, mga taong alam kong magiging parte ng buhay ko sa mga kabutihan, sa pagaaral, sa mga kalokohan, at sa mga kapilyuhan.Pagmulat ng mga mata hindi na maipinta ang kasabikan sa aking bagong uniporme para sa bagong kong paaralan.Bagong mga taong aking makikilala.Masarap at Halo halo ang pakiramdam, masaya,malungkot,at kinakabahan ngunit handang harapin ang panibagong yugyo sa aking pagaaral.

2. PAGKAKAKILALA KO SA AKING NGA BAGONG GURO/MAGULANG AT MGA TUNAY NA KAIBIGAN: Hindi ko rin malilimutan ang aking mga mapagmahal na guro na lubos ang suporta at talaga namang handang ibuhos ang kanilang oras para kami ay maturuan at maihanda ang aming kinabukasan para matutong lumaban at humarap sa mga pagsubok ng buhay. sunod ang ng makilala ko ang mga taong naging tunay kong kaibigan na hanggang ngaun ay nandito para sa akin para suportahan ako damayan at bigyan ng lakas ng loob sa mga panahong ako susuko na.Pero hindi rin mawawala ang karanasan sa aking mga naging kaaway,nakaalitan,nakasagutan at kung anu anu pa.Minsan talagang susubukin ka ng panahon kung gaano katatag ang iyong personal na pananalig at kakayahan sa pag harap sa mga kalaban, at yung mga taong walang nais gawin kung hindi punahin ang iyong mga kamalian, ngunit isa ito na nagpatatag ng akin kalooban at nagpalakas ng aking paniniwala na ang buhay ay hindi puro saya, meron din itong pagsubok na kailangang malampasan.Dito ko rin napatunayan ang ang bawat indibidwal ay may kanya kanyang personalidad at may mga kanya kanyang panuntunan sa buhay dahil sa ating mga pinagmulan. Ang mahalaga kung anu ang ating natutunan.

3. PAGTATAPAT NG TUNAY NA NARARAMDAMAN SA TAONG LUBOS KONG HINAHANGAAN: hindi man ganun kalakas ang loob ko pag dating sa pagtatapat ng nararamdaman, pinilit ko parin masabi ang aking tunay na paghanga sa taong aking lubos na hinahangaan, hindi man ako nagtagumpay sa aking adhikain na maging isa ang aming pangarap, ngunit ako naman matagumpay na nakuha ang kanyang tiwala at lubos na pagmamahal billang kaibigan.

************************************************************************************

CONGRATULATIONS ROY!



I am happy to announce that you had won a Php 1,000 Gift Certificates from Paez and two (2) Red Carpet Premiere tickets for SENIOR YEAR on MARCH 2 2011, Wednesday, 7PM at SM MEGAMALL CINEMA 6. You may claim your prizes with your valid I.D at the registration booth on Cinema 6 (MARCH 2).

Thank you for joining and we hope for your continuos support for SENIOR YEAR and kindly share our trailer/teaser on your facebook to spread the good news!


PS.
You can confirm and validate your attendance for the RED CARPET PREMIERE by replying on this email/message. only today, March 1 UNTIL 10PM ONLY . Thank you.

No comments:

Post a Comment