Tuesday, November 23, 2010

Paalam aming Anghel

Ang buhay ng tao ay hindi nasusukat kung gaano ka katagal nabuhay sa mundong ating ginagalawan kundi kung paano ka namuhay at paano mo isinapuso ang bawat leksyon na natutunan mo at matututunan mo sa mga bagay at taong nasa paligid mo.May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na nangyayari ang mga bagay ng hindi inaasahan: sa bawat pintig ng orasan ito ay panibagong istasyon na naman ang ating buhay na kailangan nating daanan. Mag-kakaiba man ang ating mga anyo,paniniwala,at kaisipan, tayo parin ay iisa, iisa sa paniniwalang ang bawat tao ay may karapatang mabuhay sa mundo. Ngunit paaano kung ang sangol na walang kalaban-laban ay subukin ang katatagan at kunin ni kamatayan? Batang hindi pa lubusang nasisilayan ang pagsikat ng araw? Ang mga ibong lumilipad at malayang nakakapaglaro sa saliw ng mga hangin sa ibabaw ng mga ulap? Ang himig ng hangin na sinasabayan ng pagkanta ng mga lawiswis ng mga punong walang pangamba? Ang lamig sa hating gabi at ang buwan sa gitna ng kalangitan na nagsasabing wag kang matakot ako ang iyong ilaw at gabay sa dilim ng kalangitan? Ang maramdaman ang kasiyahan? Ang masaktan sa mga kadahilanang ang mga bagay na ginawa mo ay para sa taong minahal mo, at ang tanging masasambit mo na lamang ang totoo ang inalay mo.Ngunit paano nga ba? paano natin matatanggap ang pangungulila sa anghel na nagdala sa atin ng ngiti at lambing sa bawat pagkakataon na tayo'y kanyang kapiling?
alam naming masaya ka sa piling ang ating taga paglikha, sana ay patuloy mo kaming gabayan sa lahat ng aming landas, mahal na mahal ka ng iyong kapatid, magulang, mga ninang at NINONG. PAALAM AMING KHIRSTAL..



No comments:

Post a Comment